Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika ngayong Agosto, ibinahagi ng lungsod ng Malaybalay ang buwanang programa ng Pagpupulong na nagdala sa tema, “Filipino At Mga Katutubong Wika: Wika Ng Kapayapaan, Seguridad, At Ingklusibong Pagpapatupad Ng Katarungang Panlipunan.”

Ang tanggapan sa DILG-Malaybalay kasama ang City Legal, PNP, BFP at BJMP ang nag-organisa sa nasabing kaganapan na ibinida ang kanilang talento at husay sa pagkanta at pagsayaw dito sa City Hall, Casisang nitong Agosto 14, 2023.

Naging panauhin pandangal si DILG-10 direktor Wilhelm M. Suyko, CESO IV na ipinakilala ni City Local Government Operations Officer Amalia A. Propia ng DILG-Malaybalay sa harap ng mga opisyales at kawani.

Itinampok ni Suyko sa kanyang talumpati na importante sa bawat Pilipino na pahalagahan ang ating wikang Pilipino dahil sa mga adhikain nito na nakapagbuklodbuklod sa atin at makamit ang mga hamon sa hinaharap.

Hinakayat din niya na gamitin ng mga ahensya sa komunikasyon at pag-uusapap ang wika ng Pilipino sa buong buwan ng Agosto kahit malawak at ibat-iba ang wika sa kapuloan.

Dagdag pa ni Mayor Jay Warren R. Pabillaran sa kanyang mensahe na sa pamamagitan ng pag-gamit ng iisang wika ito ay nagdulot ng pagkakaisa sa bawat mamayanang Pilipino na naging instrumento sa kaunlaran, kasaganahan at seguridad.

Sa programa, nasaksihan din ang pagkilala sa mga ibat-ibang atleta na nagbigay ng karangalan sa Lungsod ng Malaybalay.